Skip to content
Home » Content » Regalo kay Juny

Regalo kay Juny

by: Clarise Grace M. Eduarte

Ang pamilya ang siyang gumagabay sa ating paglaki. Mahalaga sa pamilya ang sama-samang gumagawa ng mga gawaing-bahay at pagkain, ito ay nagpapakita ng pagtutuungan at pagkakaisa sa pamilya.


Ang mga magulang ang responsable sa pagpapalaki nang tama sa atin. Natural lamang na disiplinahin tayo ng ating mga magulang tulad ng pagbabawal sa mga bagay na hindi makabubuti sa atin. Atin itong unawain, na ang lahat ng ito ay para sa ating kapakanan.


Kung tayo ay napagagalitan, hindi tama ang pagda- dabog. Ito ay pagpapakita ng kawalan ng respeto. Dapat ay humingi ng pasensiya sa mga bagay na nagawang mali.


Iwinawasto ng mga magulang ang ating pag-uugali dahil mahal nila tayo at ayaw nila tayong lumaking masama. Maging magalang sa lahat ng pagkakataon. Ang pagsasabi ng po at opo ay nagpapakita ng paggalang.
Sa panahon ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa, ang pamilya ang siyang unang dadamay sa iyo at magpapagaan sa iyong nararamdaman.
May magandang dulot ang mga gawaing pisikal, ito ay upang mas tumibay ang ating pangangatawan. Sa paglalaro rin ay nabubuo ang magandang samahan sa mga magkakapatid.

Loader Loading…
EAD Logo Taking too long?

Reload Reload document
| Open Open in new tab

0 thoughts on “Regalo kay Juny”

Leave a Reply